2 Mga Cronica 31

Nang makita ni Ezequias at ng kanyang mga opisyal ang mga nakatumpok na ito, pinuri nila ang Panginoon at pinasalamatan ang mga mamamayan niyang Israelita.

2 Chronicles 31:8 (UKJV) And when Hezekiah and the princes came and saw the heaps, they blessed the LORD, and his people Israel.

6Ang mga taga-Israel na lumipat sa Juda, at ang mga taga-Juda ay nagbigay din ng ikasampung bahagi ng kanilang mga baka, tupa at ng mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at tinipon nila ito.

7Sinimulan nila ang pag-iipon nito nang ikatlong buwan, at natapos sa ikapitong buwan.

8Nang makita ni Ezequias at ng kanyang mga opisyal ang mga nakatumpok na ito, pinuri nila ang Panginoon at pinasalamatan ang mga mamamayan niyang Israelita.

9Tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga nakatumpok.

10Sumagot si Azarias, ang punong pari na mula sa angkan ni Sadoc, “Mula nang nagsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga handog sa Templo ng Panginoon, nagkaroon na kami ng sapat na pagkain at marami pang sumobra, dahil pinagpala ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.