5Nang maipaalam na ito sa mga tao, bukas-palad na nagbigay ang mga Israelita ng unang ani ng kanilang trigo, bagong alak, langis, pulot at ng iba pang produkto ng lupa. Ibinigay nila ang ikapu ng lahat nilang produkto.
6Ang mga taga-Israel na lumipat sa Juda, at ang mga taga-Juda ay nagbigay din ng ikasampung bahagi ng kanilang mga baka, tupa at ng mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at tinipon nila ito.
7Sinimulan nila ang pag-iipon nito nang ikatlong buwan, at natapos sa ikapitong buwan.
8Nang makita ni Ezequias at ng kanyang mga opisyal ang mga nakatumpok na ito, pinuri nila ang Panginoon at pinasalamatan ang mga mamamayan niyang Israelita.
9Tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga nakatumpok.