2 Mga Cronica 31

Nang maipaalam na ito sa mga tao, bukas-palad na nagbigay ang mga Israelita ng unang ani ng kanilang trigo, bagong alak, langis, pulot at ng iba pang produkto ng lupa. Ibinigay nila ang ikapu ng lahat nilang produkto.

2 Chronicles 31:5 (UKJV) And as soon as the commandment came abroad, the children of Israel brought in abundance the first- fruits of corn, wine, and oil, and honey, and of all the increase of the field; and the tithe of all things brought they in abundantly.

3Nagbigay ang hari ng sarili niyang mga hayop para sa mga handog na sinusunog sa umaga at sa gabi, at upang rin sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista, ayon sa nakasulat sa Kautusan ng Panginoon.

4Inutusan din niya ang mga tao na nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga pari at mga Levita ang kanilang bahagi upang makapaglingkod sila nang lubusan sa Kautusan ng Panginoon.

5Nang maipaalam na ito sa mga tao, bukas-palad na nagbigay ang mga Israelita ng unang ani ng kanilang trigo, bagong alak, langis, pulot at ng iba pang produkto ng lupa. Ibinigay nila ang ikapu ng lahat nilang produkto.

6Ang mga taga-Israel na lumipat sa Juda, at ang mga taga-Juda ay nagbigay din ng ikasampung bahagi ng kanilang mga baka, tupa at ng mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at tinipon nila ito.

7Sinimulan nila ang pag-iipon nito nang ikatlong buwan, at natapos sa ikapitong buwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.