2 Mga Cronica 31

Ang mga taga-Israel na lumipat sa Juda, at ang mga taga-Juda ay nagbigay din ng ikasampung bahagi ng kanilang mga baka, tupa at ng mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at tinipon nila ito.

2 Chronicles 31:6 (UKJV) And concerning the children of Israel and Judah, that dwelt in the cities of Judah, they also brought in the tithe of oxen and sheep, and the tithe of holy things which were consecrated unto the LORD their God, and laid them by heaps.

4Inutusan din niya ang mga tao na nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga pari at mga Levita ang kanilang bahagi upang makapaglingkod sila nang lubusan sa Kautusan ng Panginoon.

5Nang maipaalam na ito sa mga tao, bukas-palad na nagbigay ang mga Israelita ng unang ani ng kanilang trigo, bagong alak, langis, pulot at ng iba pang produkto ng lupa. Ibinigay nila ang ikapu ng lahat nilang produkto.

6Ang mga taga-Israel na lumipat sa Juda, at ang mga taga-Juda ay nagbigay din ng ikasampung bahagi ng kanilang mga baka, tupa at ng mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at tinipon nila ito.

7Sinimulan nila ang pag-iipon nito nang ikatlong buwan, at natapos sa ikapitong buwan.

8Nang makita ni Ezequias at ng kanyang mga opisyal ang mga nakatumpok na ito, pinuri nila ang Panginoon at pinasalamatan ang mga mamamayan niyang Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.