13Sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat at Benaias ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala nina Conanias at Simei. Pinili sila nina Haring Ezequias at Azarias na punong opisyal ng Templo ng Diyos.
14Si Kore na anak ni Imna na Levita, na tagapagbantay sa silangang pintuan ng Templo, ang pinagkatiwalaan sa pamamahagi ng mga handog na kusang-loob na ibinibigay sa Diyos, at sa mga bagay na itinalaga sa Panginoon at ng mga banal na handog.
15Ang matatapat niyang katulong ay sina Eden, Minyamin, Jeshua, Semaias, Amarias, at Secanias. Pumunta sila sa mga bayan na tinitirhan ng mga pari na kanilang kadugo at ipinamahagi sa kanila ang kanilang bahagi sa mga handog, ayon sa kanilang grupo at tungkulin, bata man o matanda.
16Binigyan ang lahat ng mga lalaki na nasa tatlong taóng gulang pataas ang edad, na pumupunta sa Templo ng Panginoon upang gawin ang kanilang araw-araw na gawain ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.
17Binigyan ang mga paring nakalista sa talaan ng mga angkan ng kanilang bahagi, at ganoon din ang mga Levita na nasa dalawampung taóng gulang pataas, na naglilingkod ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.