2 Mga Cronica 31

Si Kore na anak ni Imna na Levita, na tagapagbantay sa silangang pintuan ng Templo, ang pinagkatiwalaan sa pamamahagi ng mga handog na kusang-loob na ibinibigay sa Diyos, at sa mga bagay na itinalaga sa Panginoon at ng mga banal na handog.

2 Chronicles 31:14 (UKJV) And Kore the son of Imnah the Levite, the gate keeper toward the east, was over the freewill offerings of God, to distribute the oblations of the LORD, and the most holy things.

12At matapat na dinala roon ng mga tao ang kanilang mga handog, mga ikapu at ang mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon. Si Conanias na isang Levita ang siyang pinagkatiwalaan ng mga bagay na ito, at katulong niya ang kanyang kapatid na lalaki na si Simei.

13Sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat at Benaias ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala nina Conanias at Simei. Pinili sila nina Haring Ezequias at Azarias na punong opisyal ng Templo ng Diyos.

14Si Kore na anak ni Imna na Levita, na tagapagbantay sa silangang pintuan ng Templo, ang pinagkatiwalaan sa pamamahagi ng mga handog na kusang-loob na ibinibigay sa Diyos, at sa mga bagay na itinalaga sa Panginoon at ng mga banal na handog.

15Ang matatapat niyang katulong ay sina Eden, Minyamin, Jeshua, Semaias, Amarias, at Secanias. Pumunta sila sa mga bayan na tinitirhan ng mga pari na kanilang kadugo at ipinamahagi sa kanila ang kanilang bahagi sa mga handog, ayon sa kanilang grupo at tungkulin, bata man o matanda.

16Binigyan ang lahat ng mga lalaki na nasa tatlong taóng gulang pataas ang edad, na pumupunta sa Templo ng Panginoon upang gawin ang kanilang araw-araw na gawain ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.