2 Mga Cronica 31

Binigyan ang lahat ng mga lalaki na nasa tatlong taóng gulang pataas ang edad, na pumupunta sa Templo ng Panginoon upang gawin ang kanilang araw-araw na gawain ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.

2 Chronicles 31:16 (UKJV) Beside their genealogy of males, from three years old and upward, even unto every one that enters into the house of the LORD, his daily portion for their service in their charges according to their courses;

14Si Kore na anak ni Imna na Levita, na tagapagbantay sa silangang pintuan ng Templo, ang pinagkatiwalaan sa pamamahagi ng mga handog na kusang-loob na ibinibigay sa Diyos, at sa mga bagay na itinalaga sa Panginoon at ng mga banal na handog.

15Ang matatapat niyang katulong ay sina Eden, Minyamin, Jeshua, Semaias, Amarias, at Secanias. Pumunta sila sa mga bayan na tinitirhan ng mga pari na kanilang kadugo at ipinamahagi sa kanila ang kanilang bahagi sa mga handog, ayon sa kanilang grupo at tungkulin, bata man o matanda.

16Binigyan ang lahat ng mga lalaki na nasa tatlong taóng gulang pataas ang edad, na pumupunta sa Templo ng Panginoon upang gawin ang kanilang araw-araw na gawain ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.

17Binigyan ang mga paring nakalista sa talaan ng mga angkan ng kanilang bahagi, at ganoon din ang mga Levita na nasa dalawampung taóng gulang pataas, na naglilingkod ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.

18Binigyan din ang mga pamilya ng mga Levita, ang kanilang mga asawa, mga anak, pati ang maliliit nilang anak. Ginawa ito sa lahat ng Levita na nakalista sa talaan ng kanilang angkan. Sapagkat matapat din sila sa paglilinis ng kanilang sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.