2 Mga Cronica 31

Ipinagbukod-bukod ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita ayon sa kani-kanilang gawain upang mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan, upang magpasalamat at umawit ng mga papuri sa mga pintuan ng Templo ng Panginoon.

2 Chronicles 31:2 (UKJV) And Hezekiah appointed the courses of the priests and the Levites after their courses, every man according to his service, the priests and Levites for burnt offerings and for peace offerings, to minister, and to give thanks, and to praise in the gates of the tents of the LORD.

1Pagkatapos ng pista, ang mga Israelita na nagsidalo roon ay nagpunta sa mga bayan ng Juda, at pinagdudurog nila ang mga alaalang bato at pinagputol-putol ang mga posteng imahen ni Ashera. Giniba nila ang mga sambahan sa matataas na lugar sa buong Juda, Benjamin, Efraim at Manases. Pagkatapos nilang gibain ang lahat ng ito, umuwi silang lahat sa kanilang mga bayan at lupain.

2Ipinagbukod-bukod ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita ayon sa kani-kanilang gawain upang mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan, upang magpasalamat at umawit ng mga papuri sa mga pintuan ng Templo ng Panginoon.

3Nagbigay ang hari ng sarili niyang mga hayop para sa mga handog na sinusunog sa umaga at sa gabi, at upang rin sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista, ayon sa nakasulat sa Kautusan ng Panginoon.

4Inutusan din niya ang mga tao na nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga pari at mga Levita ang kanilang bahagi upang makapaglingkod sila nang lubusan sa Kautusan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.