1Pagkatapos ng pista, ang mga Israelita na nagsidalo roon ay nagpunta sa mga bayan ng Juda, at pinagdudurog nila ang mga alaalang bato at pinagputol-putol ang mga posteng imahen ni Ashera. Giniba nila ang mga sambahan sa matataas na lugar sa buong Juda, Benjamin, Efraim at Manases. Pagkatapos nilang gibain ang lahat ng ito, umuwi silang lahat sa kanilang mga bayan at lupain.
2Ipinagbukod-bukod ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita ayon sa kani-kanilang gawain upang mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan, upang magpasalamat at umawit ng mga papuri sa mga pintuan ng Templo ng Panginoon.
3Nagbigay ang hari ng sarili niyang mga hayop para sa mga handog na sinusunog sa umaga at sa gabi, at upang rin sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista, ayon sa nakasulat sa Kautusan ng Panginoon.