2 Mga Cronica 32

“ ‘Nalalaman nʼyo kung anong ginawa ko at ng aking mga ninuno sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Nailigtas ba sila ng kanilang mga diyos mula sa aking mga kamay?

2 Chronicles 32:13 (UKJV) Know all of you not what I and my fathers have done unto all the people of other lands? were the gods of the nations of those lands any ways able to deliver their lands out of mine hand?

11Sinabi ni Ezequias sa inyo na ililigtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa kamay ng hari ng Asiria, pero inililigaw lang niya kayo upang mamatay kayo sa gutom at uhaw.

12Hindi baʼt si Ezequias mismo ang nagpagiba ng mga sambahan ng Panginoon sa matataas na lugar, pati ng mga altar nito? Nag-utos pa siya sa inyong mga taga-Juda at Jerusalem na sa isang altar lang kayo sumamba at magsunog ng mga handog.

13“ ‘Nalalaman nʼyo kung anong ginawa ko at ng aking mga ninuno sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Nailigtas ba sila ng kanilang mga diyos mula sa aking mga kamay?

14Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga ninuno? Makakapagligtas ba sa inyo ang inyong diyos mula sa aking mga kamay?

15Huwag kayong magpaloko kay Ezequias. Huwag kayong makinig sa kanya, dahil walang diyos sa kahit saan mang bansa o kaharian ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay o sa kamay ng aking mga ninuno. At lalung-lalo na ang inyong diyos!’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.