12Hindi baʼt si Ezequias mismo ang nagpagiba ng mga sambahan ng Panginoon sa matataas na lugar, pati ng mga altar nito? Nag-utos pa siya sa inyong mga taga-Juda at Jerusalem na sa isang altar lang kayo sumamba at magsunog ng mga handog.
13“ ‘Nalalaman nʼyo kung anong ginawa ko at ng aking mga ninuno sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Nailigtas ba sila ng kanilang mga diyos mula sa aking mga kamay?
14Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga ninuno? Makakapagligtas ba sa inyo ang inyong diyos mula sa aking mga kamay?
15Huwag kayong magpaloko kay Ezequias. Huwag kayong makinig sa kanya, dahil walang diyos sa kahit saan mang bansa o kaharian ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay o sa kamay ng aking mga ninuno. At lalung-lalo na ang inyong diyos!’ ”
16May idinagdag pang masamang mga salita ang mga opisyal ni Senaquerib laban sa Panginoong Diyos at sa kanyang lingkod na si Ezequias.