2 Mga Cronica 32

Hindi baʼt si Ezequias mismo ang nagpagiba ng mga sambahan ng Panginoon sa matataas na lugar, pati ng mga altar nito? Nag-utos pa siya sa inyong mga taga-Juda at Jerusalem na sa isang altar lang kayo sumamba at magsunog ng mga handog.

2 Chronicles 32:12 (UKJV) Has not the same Hezekiah taken away his high places and his altars, and commanded Judah and Jerusalem, saying, All of you shall worship before one altar, and burn incense upon it?

10“Ito ang sinabi ni Haring Senaquerib ng Asiria: ‘Ano ba ang inaasahan ninyo at nananatili pa rin kayo sa Jerusalem kahit pinalilibutan na namin kayo?

11Sinabi ni Ezequias sa inyo na ililigtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa kamay ng hari ng Asiria, pero inililigaw lang niya kayo upang mamatay kayo sa gutom at uhaw.

12Hindi baʼt si Ezequias mismo ang nagpagiba ng mga sambahan ng Panginoon sa matataas na lugar, pati ng mga altar nito? Nag-utos pa siya sa inyong mga taga-Juda at Jerusalem na sa isang altar lang kayo sumamba at magsunog ng mga handog.

13“ ‘Nalalaman nʼyo kung anong ginawa ko at ng aking mga ninuno sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Nailigtas ba sila ng kanilang mga diyos mula sa aking mga kamay?

14Alin sa mga diyos ng mga bansang ito ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga ninuno? Makakapagligtas ba sa inyo ang inyong diyos mula sa aking mga kamay?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.