2 Mga Cronica 32

“Ito ang sinabi ni Haring Senaquerib ng Asiria: ‘Ano ba ang inaasahan ninyo at nananatili pa rin kayo sa Jerusalem kahit pinalilibutan na namin kayo?

2 Chronicles 32:10 (UKJV) Thus says Sennacherib king of Assyria, Whereon do all of you trust, that all of you abide in the siege in Jerusalem?

8Mga tao lang ang kasama niya; pero tayo, kasama natin ang Panginoon na ating Diyos. Siya ang tutulong sa atin at makikipaglaban para sa atin.” Kaya tumatag ang mga tao dahil sa sinabi ni Haring Ezequias ng Juda.

9Habang nilulusob ni Haring Senaquerib at ng kanyang mga sundalo ang lungsod ng Laquis, isinugo niya ang kanyang mga opisyal sa Jerusalem para sabihin ito kay Haring Ezequias at sa mga mamamayan doon:

10“Ito ang sinabi ni Haring Senaquerib ng Asiria: ‘Ano ba ang inaasahan ninyo at nananatili pa rin kayo sa Jerusalem kahit pinalilibutan na namin kayo?

11Sinabi ni Ezequias sa inyo na ililigtas kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa kamay ng hari ng Asiria, pero inililigaw lang niya kayo upang mamatay kayo sa gutom at uhaw.

12Hindi baʼt si Ezequias mismo ang nagpagiba ng mga sambahan ng Panginoon sa matataas na lugar, pati ng mga altar nito? Nag-utos pa siya sa inyong mga taga-Juda at Jerusalem na sa isang altar lang kayo sumamba at magsunog ng mga handog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.