2 Mga Cronica 32

Mga tao lang ang kasama niya; pero tayo, kasama natin ang Panginoon na ating Diyos. Siya ang tutulong sa atin at makikipaglaban para sa atin.” Kaya tumatag ang mga tao dahil sa sinabi ni Haring Ezequias ng Juda.

2 Chronicles 32:8 (UKJV) With him is an arm of flesh; but with us is the LORD our God to help us, and to fight our battles. And the people rested themselves upon the words of Hezekiah king of Judah.

6Nagtalaga siya ng mga pinuno sa mga tao, at ipinatipon niya sila sa plasa, malapit sa pintuan ng lungsod. Pinalakas niya ang kanilang loob, sinabi niya,

7“Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa hari ng Asiria o sa marami niyang sundalo. Sapagkat higit na makapangyarihan ang sumasaatin kaysa sa kanya.

8Mga tao lang ang kasama niya; pero tayo, kasama natin ang Panginoon na ating Diyos. Siya ang tutulong sa atin at makikipaglaban para sa atin.” Kaya tumatag ang mga tao dahil sa sinabi ni Haring Ezequias ng Juda.

9Habang nilulusob ni Haring Senaquerib at ng kanyang mga sundalo ang lungsod ng Laquis, isinugo niya ang kanyang mga opisyal sa Jerusalem para sabihin ito kay Haring Ezequias at sa mga mamamayan doon:

10“Ito ang sinabi ni Haring Senaquerib ng Asiria: ‘Ano ba ang inaasahan ninyo at nananatili pa rin kayo sa Jerusalem kahit pinalilibutan na namin kayo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.