2 Mga Cronica 32

Nagpadala pa si Haring Senaquerib ng mga sulat upang insultuhin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Ito ang sulat niya: “Ang mga diyos ng ibang mga bansa ay hindi nailigtas ang kanilang mga mamamayan mula sa aking kamay. Kaya ang diyos ni Ezequias ay hindi rin maililigtas ang kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay.”

2 Chronicles 32:17 (UKJV) He wrote also letters to rail on the LORD God of Israel, and to speak against him, saying, As the gods of the nations of other lands have not delivered their people out of mine hand, so shall not the God of Hezekiah deliver his people out of mine hand.

15Huwag kayong magpaloko kay Ezequias. Huwag kayong makinig sa kanya, dahil walang diyos sa kahit saan mang bansa o kaharian ang nakapagligtas sa kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay o sa kamay ng aking mga ninuno. At lalung-lalo na ang inyong diyos!’ ”

16May idinagdag pang masamang mga salita ang mga opisyal ni Senaquerib laban sa Panginoong Diyos at sa kanyang lingkod na si Ezequias.

17Nagpadala pa si Haring Senaquerib ng mga sulat upang insultuhin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Ito ang sulat niya: “Ang mga diyos ng ibang mga bansa ay hindi nailigtas ang kanilang mga mamamayan mula sa aking kamay. Kaya ang diyos ni Ezequias ay hindi rin maililigtas ang kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay.”

18Sinabi ito nang malakas ng mga opisyal ni Senaquerib sa wikang Hebreo upang takutin ang mga mamamayan ng Jerusalem na nagtitipon noon sa may pader. At kapag natakot na ang mga tao, madali na nilang masasakop ang lungsod.

19Ang mga opisyal ay nagsabi na ang Diyos ng Jerusalem ay gaya ng mga diyos ng ibang bansa na gawa lang ng tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.