2 Mga Cronica 32

Sinabi ito nang malakas ng mga opisyal ni Senaquerib sa wikang Hebreo upang takutin ang mga mamamayan ng Jerusalem na nagtitipon noon sa may pader. At kapag natakot na ang mga tao, madali na nilang masasakop ang lungsod.

2 Chronicles 32:18 (UKJV) Then they cried with a loud voice in the Jews' speech unto the people of Jerusalem that were on the wall, to affright them, and to trouble them; that they might take the city.

16May idinagdag pang masamang mga salita ang mga opisyal ni Senaquerib laban sa Panginoong Diyos at sa kanyang lingkod na si Ezequias.

17Nagpadala pa si Haring Senaquerib ng mga sulat upang insultuhin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Ito ang sulat niya: “Ang mga diyos ng ibang mga bansa ay hindi nailigtas ang kanilang mga mamamayan mula sa aking kamay. Kaya ang diyos ni Ezequias ay hindi rin maililigtas ang kanyang mga mamamayan mula sa aking mga kamay.”

18Sinabi ito nang malakas ng mga opisyal ni Senaquerib sa wikang Hebreo upang takutin ang mga mamamayan ng Jerusalem na nagtitipon noon sa may pader. At kapag natakot na ang mga tao, madali na nilang masasakop ang lungsod.

19Ang mga opisyal ay nagsabi na ang Diyos ng Jerusalem ay gaya ng mga diyos ng ibang bansa na gawa lang ng tao.

20Nanalangin sina Haring Ezequias at si Propeta Isaias na anak ni Amoz sa Diyos sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.