2 Mga Cronica 34

Ipapakita ko ang galit ko sa lugar na ito at hindi ito titigil, dahil itinaboy ako ng aking mga mamamayan at sumamba sila sa ibang mga diyos. Ginalit nila ako sa kanilang mga ginawa.’

2 Chronicles 34:25 (UKJV) Because they have forsaken me, and have burned incense unto other gods, that they might provoke me to anger with all the works of their hands; therefore my wrath shall be poured out upon this place, and shall not be quenched.

23Sinabi ni Hulda sa kanila, “Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel! Sabihin nʼyo sa lalaking nagpadala sa inyo sa akin,

24‘ito ang sinabi ng Panginoon: Lilipulin ko ang lugar na ito at ang mga mamamayan nito, lahat ng mga sumpang nakasulat sa aklat na binasa sa harapan ng hari ng Juda ay mangyayari.

25Ipapakita ko ang galit ko sa lugar na ito at hindi ito titigil, dahil itinaboy ako ng aking mga mamamayan at sumamba sila sa ibang mga diyos. Ginalit nila ako sa kanilang mga ginawa.’

26“Ngunit sabihin ninyo sa hari ng Juda na nagpadala sa inyo upang magtanong sa Panginoon, na hindi siya dapat mabahala sa mensaheng ito, dahil ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel:

27Pinakinggan ko ang panalangin mo dahil nagsisi ka at nagpakumbaba sa harapan ko nang marinig mo ang sinabi ko laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito. Pinunit mo pa ang iyong damit at umiyak sa harapan ko dahil sa pagsisisi. Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabing

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.