3Nang ikawalong taon ng paghahari niya, habang bata pa siya, nagsimula siyang dumulog sa Diyos ng kanyang ninunong si David. At noong labindalawang taon ng paghahari niya, nilinis niya ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapagiba ng mga sambahan sa matataas na lugar, ng mga posteng imahen ni Ashera, ng mga diyos-diyosan at mga imahen.
4Ipinagiba rin niya ang mga altar para kay Baal at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso sa tabi nito. Ipinadurog niya ang mga posteng imahen ni Ashera, ang mga diyos-diyosan at ang mga larawan, at isinabog sa libingan ng mga taong naghandog sa mga ito.
5Ipinasunog din niya ang mga buto ng mga pari sa kanilang mga altar na pinaghahandugan ng mga ito. Sa ganitong paraan, nilinis niya ang Juda at Jerusalem.
6Ganito rin ang ginawa niya sa mga bayan ng Manases, Efraim, Simeon, at hanggang sa Neftali, pati sa gibang mga bayan sa paligid nito.
7Ipinagiba niya ang mga altar at ang mga posteng imahen ni Ashera, at ipinadurog ang mga diyos-diyosan at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Pagkatapos niyang gawin ito sa buong Israel, umuwi siya sa Jerusalem.