2 Mga Cronica 34

Nang ikawalong taon ng paghahari niya, habang bata pa siya, nagsimula siyang dumulog sa Diyos ng kanyang ninunong si David. At noong labindalawang taon ng paghahari niya, nilinis niya ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapagiba ng mga sambahan sa matataas na lugar, ng mga posteng imahen ni Ashera, ng mga diyos-diyosan at mga imahen.

2 Chronicles 34:3 (UKJV) For in the eighth year of his reign, while he was yet young, he began to seek after the God of David his father: and in the twelfth year he began to purge Judah and Jerusalem from the high places, and the groves, and the carved images, and the molten images.

1Si Josias ay walong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlumpuʼt isang taon.

2Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon at sumunod siya sa pamumuhay ng ninuno niyang si David. At hindi siya tumigil sa paggawa ng tama.

3Nang ikawalong taon ng paghahari niya, habang bata pa siya, nagsimula siyang dumulog sa Diyos ng kanyang ninunong si David. At noong labindalawang taon ng paghahari niya, nilinis niya ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapagiba ng mga sambahan sa matataas na lugar, ng mga posteng imahen ni Ashera, ng mga diyos-diyosan at mga imahen.

4Ipinagiba rin niya ang mga altar para kay Baal at ang mga altar na pagsusunugan ng insenso sa tabi nito. Ipinadurog niya ang mga posteng imahen ni Ashera, ang mga diyos-diyosan at ang mga larawan, at isinabog sa libingan ng mga taong naghandog sa mga ito.

5Ipinasunog din niya ang mga buto ng mga pari sa kanilang mga altar na pinaghahandugan ng mga ito. Sa ganitong paraan, nilinis niya ang Juda at Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.