2 Mga Cronica 35

Kinatay ng mga Levita ang mga tupaʼt kambing, at ibinigay ang dugo sa mga pari. Iwinisik ito ng mga pari sa altar habang binabalatan ng mga Levita ang mga hayop.

2 Chronicles 35:11 (UKJV) And they killed the passover, and the priests sprinkled the blood from their hands, and the Levites flayed them.

9Ang mga pinuno ng mga Levita na si Conanias, ang kanyang mga kapatid na sina Semaias at Natanael, si Hashabias, Jeiel, at Jozabad ay nagbigay sa kapwa nila Levita ng limang libong tupa at kambing, at limandaang baka bilang handog sa pista.

10Nang handa na ang lahat para sa pista, pumuwesto ang mga pari at mga Levita sa Templo, ayon sa gawain ng kani-kanilang grupo, dahil sa utos ng hari.

11Kinatay ng mga Levita ang mga tupaʼt kambing, at ibinigay ang dugo sa mga pari. Iwinisik ito ng mga pari sa altar habang binabalatan ng mga Levita ang mga hayop.

12Pagkatapos, ipinamahagi nila sa mga tao, ayon sa grupo ng kanilang mga pamilya, ang mga handog na sinusunog upang ihandog sa Panginoon, ayon sa nakasulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga baka.

13At nilitson nila ang mga hayop na pampista, ayon sa nakasulat sa kautusan, at inilaga ang banal na mga handog sa mga palayok, mga kaldero, at mga kawali, at ipinamahagi agad nila sa mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.