2 Mga Cronica 35

Ang mga pinuno ng mga Levita na si Conanias, ang kanyang mga kapatid na sina Semaias at Natanael, si Hashabias, Jeiel, at Jozabad ay nagbigay sa kapwa nila Levita ng limang libong tupa at kambing, at limandaang baka bilang handog sa pista.

2 Chronicles 35:9 (UKJV) Conaniah also, and Shemaiah and Nethaneel, his brethren, and Hashabiah and Jeiel and Jozabad, chief of the Levites, gave unto the Levites for passover offerings five thousand small cattle, and five hundred oxen.

7Personal na nagbigay si Josias ng tatlumpung libong tupa at kambing at tatlong libong baka para sa handog ng mga tao sa panahon ng Pista ng Paglampas ng Anghel.

8Kusa ding nagbigay ang mga opisyal ni Josias sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Ang mga tagapamahala ng Templo ng Diyos na sina Hilkias, Zacarias, at Jehiel ay nagbigay sa kapwa nila pari ng 2,600 tupa at kambing, at tatlong daang baka bilang handog sa pista.

9Ang mga pinuno ng mga Levita na si Conanias, ang kanyang mga kapatid na sina Semaias at Natanael, si Hashabias, Jeiel, at Jozabad ay nagbigay sa kapwa nila Levita ng limang libong tupa at kambing, at limandaang baka bilang handog sa pista.

10Nang handa na ang lahat para sa pista, pumuwesto ang mga pari at mga Levita sa Templo, ayon sa gawain ng kani-kanilang grupo, dahil sa utos ng hari.

11Kinatay ng mga Levita ang mga tupaʼt kambing, at ibinigay ang dugo sa mga pari. Iwinisik ito ng mga pari sa altar habang binabalatan ng mga Levita ang mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.