25Gumawa si Jeremias ng mga awit ng pagluluksa para kay Josias, at hanggang ngayon inaawit ito ng mga mang-aawit sa pag-alaala sa kanya. Ang mga awit ng pagluluksa ay palaging inaawit sa Israel, at nakasulat sa Aklat ng mga Pagluluksa.
26Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Josias at ang tungkol sa pagmamahal niya sa Panginoon na ipinakita niya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ng Panginoon
27mula sa simula hanggang sa wakas ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda.