2 Mga Cronica 36

Palaging nakikipag-usap sa kanila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta, dahil naawa siya sa kanila at sa kanyang Templo.

2 Chronicles 36:15 (UKJV) And the LORD God of their fathers sent to them by his messengers, rising up early, and sending; because he had compassion on his people, and on his dwelling place:

13Nagrebelde rin siya kay Haring Nebucadnezar, kahit pinanumpa siya nito sa pangalan ng Diyos. Naging matigas ang puso ni Zedequias, at ayaw niyang manumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

14Gayon din ang lahat ng punong pari at ang mga mamamayan ay lalong hindi naging tapat. Sinunod nila ang kasuklam-suklam na mga ginagawa ng ibang mga bansa at dinungisan ang Templo ng Panginoon na itinalagang banal sa Jerusalem.

15Palaging nakikipag-usap sa kanila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta, dahil naawa siya sa kanila at sa kanyang Templo.

16Ngunit hinamak nila ang mga propeta ng Diyos, pinagtawanan, at binalewala ang kanilang mga mensahe. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanila, at wala nang makakapigil sa kanya.

17Ipinalusob niya ang mga taga-Babilonia sa kanila. Pinatay ng mga taga-Babilonia ang kanilang mga kabataang lalaki kahit sa Templo. Wala silang awa kahit kaninuman, lalaki man o babae, bata man o matanda, sakitin man o hindi. Ipinaubaya ng Diyos ang lahat niyang mamamayan kay Nebucadnezar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.