2 Mga Cronica 36

Gayon din ang lahat ng punong pari at ang mga mamamayan ay lalong hindi naging tapat. Sinunod nila ang kasuklam-suklam na mga ginagawa ng ibang mga bansa at dinungisan ang Templo ng Panginoon na itinalagang banal sa Jerusalem.

2 Chronicles 36:14 (UKJV) Moreover all the chief of the priests, and the people, transgressed very much after all the abominations of the heathen; and polluted the house of the LORD which he had hallowed in Jerusalem.

12Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos at hindi siya nagpakumbaba kay Jeremias na propeta ng Panginoon.

13Nagrebelde rin siya kay Haring Nebucadnezar, kahit pinanumpa siya nito sa pangalan ng Diyos. Naging matigas ang puso ni Zedequias, at ayaw niyang manumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

14Gayon din ang lahat ng punong pari at ang mga mamamayan ay lalong hindi naging tapat. Sinunod nila ang kasuklam-suklam na mga ginagawa ng ibang mga bansa at dinungisan ang Templo ng Panginoon na itinalagang banal sa Jerusalem.

15Palaging nakikipag-usap sa kanila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta, dahil naawa siya sa kanila at sa kanyang Templo.

16Ngunit hinamak nila ang mga propeta ng Diyos, pinagtawanan, at binalewala ang kanilang mga mensahe. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanila, at wala nang makakapigil sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.