2 Mga Cronica 36

Ngunit hinamak nila ang mga propeta ng Diyos, pinagtawanan, at binalewala ang kanilang mga mensahe. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanila, at wala nang makakapigil sa kanya.

2 Chronicles 36:16 (UKJV) But they mocked the messengers of God, and despised his words, and misused his prophets, until the wrath of the LORD arose against his people, till there was no remedy.

14Gayon din ang lahat ng punong pari at ang mga mamamayan ay lalong hindi naging tapat. Sinunod nila ang kasuklam-suklam na mga ginagawa ng ibang mga bansa at dinungisan ang Templo ng Panginoon na itinalagang banal sa Jerusalem.

15Palaging nakikipag-usap sa kanila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta, dahil naawa siya sa kanila at sa kanyang Templo.

16Ngunit hinamak nila ang mga propeta ng Diyos, pinagtawanan, at binalewala ang kanilang mga mensahe. Kaya nagalit ang Panginoon sa kanila, at wala nang makakapigil sa kanya.

17Ipinalusob niya ang mga taga-Babilonia sa kanila. Pinatay ng mga taga-Babilonia ang kanilang mga kabataang lalaki kahit sa Templo. Wala silang awa kahit kaninuman, lalaki man o babae, bata man o matanda, sakitin man o hindi. Ipinaubaya ng Diyos ang lahat niyang mamamayan kay Nebucadnezar.

18Dinala ni Nebucadnezar sa Babilonia ang lahat ng kagamitan sa Templo ng Diyos, maliliit at malalaki, at ang lahat ng kayamanan ng Templo ng Panginoon, ng hari, at ng kanyang mga opisyal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.