2 Mga Cronica 4

Napapalibutan ito ng dalawang hanay ng mga palamuting hugis toro sa ilalim ng bibig nito, sampung toro sa bawat labingwalong pulgada. Ang mga palamuti ay kasama na nang gawin ito.

2 Chronicles 4:3 (UKJV) And under it was the embodiment of oxen, which did compass it round about: ten in a cubit, compassing the sea round about. Two rows of oxen were cast, when it was cast.

1Nagpagawa rin si Solomon ng tansong altar na tatlumpung talampakan ang haba, tatlumpung talampakan ang lapad at labinlimang talampakan ang taas.

2Nagpagawa rin siya ng malaking sisidlan na parang kawa na yari sa tanso, na tinatawag na Dagat. Ang lalim nito ay pitoʼt kalahating talampakan, ang luwang ay labinlimang talampakan, at ang sukat sa paligid ay apatnapuʼt limang talampakan.

3Napapalibutan ito ng dalawang hanay ng mga palamuting hugis toro sa ilalim ng bibig nito, sampung toro sa bawat labingwalong pulgada. Ang mga palamuti ay kasama na nang gawin ito.

4Nakapatong ang sisidlan sa likod ng labindalawang tansong toro na magkakatalikod. Ang tatlong toro ay nakaharap sa gawing hilaga, ang tatlo ay sa kanluran, ang tatlo ay sa timog, at ang tatlo ay sa gawing silangan.

5Ang kapal ng sisidlan ay mga tatlong pulgada, at ang ilalim nito ay parang bibig ng tasang nakakurba palabas katulad ng namumukadkad na bulaklak ng liryo. At maaari itong malagyan ng 17,500 galong tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.