2 Mga Cronica 4

Nagpagawa rin si Solomon ng tansong altar na tatlumpung talampakan ang haba, tatlumpung talampakan ang lapad at labinlimang talampakan ang taas.

2 Chronicles 4:1 (UKJV) Moreover he made an altar of brass, twenty cubits the length thereof, and twenty cubits the breadth thereof, and ten cubits the height thereof.

1Nagpagawa rin si Solomon ng tansong altar na tatlumpung talampakan ang haba, tatlumpung talampakan ang lapad at labinlimang talampakan ang taas.

2Nagpagawa rin siya ng malaking sisidlan na parang kawa na yari sa tanso, na tinatawag na Dagat. Ang lalim nito ay pitoʼt kalahating talampakan, ang luwang ay labinlimang talampakan, at ang sukat sa paligid ay apatnapuʼt limang talampakan.

3Napapalibutan ito ng dalawang hanay ng mga palamuting hugis toro sa ilalim ng bibig nito, sampung toro sa bawat labingwalong pulgada. Ang mga palamuti ay kasama na nang gawin ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.