2 Mga Cronica 5

Nang matapos ni Solomon ang lahat ng gawain na kanyang ipinagawa para sa Templo ng Panginoon, inilagay niya sa kabang-yaman ng Templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

2 Chronicles 5:1 (UKJV) Thus all the work that Solomon made for the house of the LORD was finished: and Solomon brought in all the things that David his father had dedicated; and the silver, and the gold, and all the instruments, put he among the treasures of the house of God.

1Nang matapos ni Solomon ang lahat ng gawain na kanyang ipinagawa para sa Templo ng Panginoon, inilagay niya sa kabang-yaman ng Templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

2Ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang mga pinuno ng Israel at ang lahat ng pinuno ng mga lahi at ng mga pamilya sa Israel upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon mula sa Zion, ang Lungsod ni David.

3Kayaʼt pumunta ang mga kalalakihan ng Israel sa harapan ng hari noong panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, nang ikapitong buwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.