2 Mga Cronica 5

Kayaʼt pumunta ang mga kalalakihan ng Israel sa harapan ng hari noong panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, nang ikapitong buwan.

2 Chronicles 5:3 (UKJV) Wherefore all the men of Israel assembled themselves unto the king in the feast which was in the seventh month.

1Nang matapos ni Solomon ang lahat ng gawain na kanyang ipinagawa para sa Templo ng Panginoon, inilagay niya sa kabang-yaman ng Templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

2Ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang mga pinuno ng Israel at ang lahat ng pinuno ng mga lahi at ng mga pamilya sa Israel upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon mula sa Zion, ang Lungsod ni David.

3Kayaʼt pumunta ang mga kalalakihan ng Israel sa harapan ng hari noong panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, nang ikapitong buwan.

4Nang makarating na ang lahat ng pinuno ng Israel, binuhat ng mga Levita ang Kahon.

5Dinala ito ng mga pari at ng mga Levita kasama ang Toldang Tipanan at ang mga banal na kagamitan nito sa loob ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.