2 Mga Cronica 5

Ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang mga pinuno ng Israel at ang lahat ng pinuno ng mga lahi at ng mga pamilya sa Israel upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon mula sa Zion, ang Lungsod ni David.

2 Chronicles 5:2 (UKJV) Then Solomon assembled the elders of Israel, and all the heads of the tribes, the chief of the fathers of the children of Israel, unto Jerusalem, to bring up the ark of the covenant of the LORD out of the city of David, which is Zion.

1Nang matapos ni Solomon ang lahat ng gawain na kanyang ipinagawa para sa Templo ng Panginoon, inilagay niya sa kabang-yaman ng Templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

2Ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang mga pinuno ng Israel at ang lahat ng pinuno ng mga lahi at ng mga pamilya sa Israel upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon mula sa Zion, ang Lungsod ni David.

3Kayaʼt pumunta ang mga kalalakihan ng Israel sa harapan ng hari noong panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, nang ikapitong buwan.

4Nang makarating na ang lahat ng pinuno ng Israel, binuhat ng mga Levita ang Kahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.