2 Mga Cronica 5

Nakalukob ang pakpak ng mga kerubin kaya natatakpan ang Kahon at ang mga hawakang pasanan nito.

2 Chronicles 5:8 (UKJV) For the cherubims spread forth their wings over the place of the ark, and the cherubims covered the ark and the staves thereof above.

6Naghandog si Haring Solomon at ang buong mamamayan ng Israel sa harapan ng Kahon. Napakaraming tupa at baka ang kanilang inihandog, hindi ito mabilang dahil sa dami.

7Pagkatapos, dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lugar nito roon sa pinakaloob ng Templo, sa Pinakabanal na Lugar, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.

8Nakalukob ang pakpak ng mga kerubin kaya natatakpan ang Kahon at ang mga hawakang pasanan nito.

9Ang mga hawakang pasanan ay napakahaba kaya ang mga dulo nito ay tanaw mula sa Banal na Lugar, sa harapan ng pinakaloob ng Templo, ngunit hindi kita mula sa labas ng Banal na Lugar. Ang mga ito ay naroon pa rin hanggang ngayon.

10Walang ibang laman ang Kahon maliban sa dalawang malalapad na bato na inilagay ni Moises noong nandoon siya sa Horeb, kung saan gumawa ng kasunduan ang Panginoon sa mga Israelita pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.