2 Mga Cronica 5

Ang mga hawakang pasanan ay napakahaba kaya ang mga dulo nito ay tanaw mula sa Banal na Lugar, sa harapan ng pinakaloob ng Templo, ngunit hindi kita mula sa labas ng Banal na Lugar. Ang mga ito ay naroon pa rin hanggang ngayon.

2 Chronicles 5:9 (UKJV) And they drew out the staves of the ark, that the ends of the staves were seen from the ark before the oracle; but they were not seen without. And there it is unto this day.

7Pagkatapos, dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lugar nito roon sa pinakaloob ng Templo, sa Pinakabanal na Lugar, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.

8Nakalukob ang pakpak ng mga kerubin kaya natatakpan ang Kahon at ang mga hawakang pasanan nito.

9Ang mga hawakang pasanan ay napakahaba kaya ang mga dulo nito ay tanaw mula sa Banal na Lugar, sa harapan ng pinakaloob ng Templo, ngunit hindi kita mula sa labas ng Banal na Lugar. Ang mga ito ay naroon pa rin hanggang ngayon.

10Walang ibang laman ang Kahon maliban sa dalawang malalapad na bato na inilagay ni Moises noong nandoon siya sa Horeb, kung saan gumawa ng kasunduan ang Panginoon sa mga Israelita pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto.

11Pagkatapos, lumabas ang mga pari sa Banal na Lugar. Ang lahat ng pari na naroon ay nagpakalinis, oras man ng kanilang paglilingkod o hindi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.