26“Kung hindi ninyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa Templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila,
27dinggin nʼyo po sila mula sa langit. Patawarin nʼyo po ang kasalanan ng inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.
28“Kung may dumating pong taggutom sa lupain, o salot, kung malanta ang mga tanim, o salantahin ng peste gaya ng mga balang at mga uod, o kapag pinalibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o lumaganap sa kanila ang kahit anong karamdaman,
29kapag mayroon po sa inyong mga mamamayang Israelita ang mananalangin at hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan ay dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin silang nakataas ang mga kamay na nakaharap sa Templong ito,
30dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Patawarin nʼyo po sila at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.