2 Mga Cronica 6

dinggin nʼyo po sila mula sa langit. Patawarin nʼyo po ang kasalanan ng inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.

2 Chronicles 6:27 (UKJV) Then hear you from heaven, and forgive the sin of your servants, and of your people Israel, when you have taught them the good way, wherein they should walk; and send rain upon your land, which you have given unto your people for an inheritance.

25pakinggan nʼyo po sila diyan sa langit. Patawarin nʼyo sila sa kanilang kasalanan at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ibinigay ninyo sa kanila at sa kanilang mga ninuno.

26“Kung hindi ninyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa Templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila,

27dinggin nʼyo po sila mula sa langit. Patawarin nʼyo po ang kasalanan ng inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.

28“Kung may dumating pong taggutom sa lupain, o salot, kung malanta ang mga tanim, o salantahin ng peste gaya ng mga balang at mga uod, o kapag pinalibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o lumaganap sa kanila ang kahit anong karamdaman,

29kapag mayroon po sa inyong mga mamamayang Israelita ang mananalangin at hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan ay dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin silang nakataas ang mga kamay na nakaharap sa Templong ito,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.