2 Mga Cronica 6

kapag mayroon po sa inyong mga mamamayang Israelita ang mananalangin at hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan ay dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin silang nakataas ang mga kamay na nakaharap sa Templong ito,

2 Chronicles 6:29 (UKJV) Then what prayer or what supplication whatsoever shall be made of any man, or of all your people Israel, when every one shall know his own sore and his own grief, and shall spread forth his hands in this house:

27dinggin nʼyo po sila mula sa langit. Patawarin nʼyo po ang kasalanan ng inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.

28“Kung may dumating pong taggutom sa lupain, o salot, kung malanta ang mga tanim, o salantahin ng peste gaya ng mga balang at mga uod, o kapag pinalibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o lumaganap sa kanila ang kahit anong karamdaman,

29kapag mayroon po sa inyong mga mamamayang Israelita ang mananalangin at hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan ay dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin silang nakataas ang mga kamay na nakaharap sa Templong ito,

30dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Patawarin nʼyo po sila at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.

31Nang sa gayon, mananatili silang may galang sa inyo at sumunod sa inyong pamamaraan habang nakatira sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.