29kapag mayroon po sa inyong mga mamamayang Israelita ang mananalangin at hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan ay dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin silang nakataas ang mga kamay na nakaharap sa Templong ito,
30dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Patawarin nʼyo po sila at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.
31Nang sa gayon, mananatili silang may galang sa inyo at sumunod sa inyong pamamaraan habang nakatira sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.
32“Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar at hindi kabilang sa inyong bayang Israel ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito upang sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa Templong ito,
33dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, upang ang lahat po ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang po sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At upang malaman po nilang pinaparangalan kayo sa bahay na aking ipinatayo.