2 Mga Cronica 6

“Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar at hindi kabilang sa inyong bayang Israel ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito upang sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa Templong ito,

2 Chronicles 6:32 (UKJV) Moreover concerning the stranger, which is not of your people Israel, but has come from a far country for your great name's sake, and your mighty hand, and your stretched out arm; if they come and pray in this house;

30dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Patawarin nʼyo po sila at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.

31Nang sa gayon, mananatili silang may galang sa inyo at sumunod sa inyong pamamaraan habang nakatira sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.

32“Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar at hindi kabilang sa inyong bayang Israel ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito upang sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa Templong ito,

33dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, upang ang lahat po ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang po sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At upang malaman po nilang pinaparangalan kayo sa bahay na aking ipinatayo.

34“Kung ang inyo pong mamamayan ay makikipaglaban ayon sa inyong utos, at kung mananalangin po sila sa inyo na nakaharap sa lungsod na ito na pinili nʼyo at sa Templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.