2 Mga Cronica 6

“O aking Diyos, sagutin nʼyo po sana ang mga dalangin na ginawa sa lugar na ito.

2 Chronicles 6:40 (UKJV) Now, my God, let, I plead to you, yours eyes be open, and let yours ears be attentive unto the prayer that is made in this place.

38Kung babalik po sila sa inyo nang buong pusoʼt isipan, doon sa lugar na pinagbihagan sa kanila, at manalangin po sila na nakaharap sa lupaing ito na ibinigay nʼyo sa kanilang mga ninuno, sa lungsod na ito na pinili po ninyo, at sa Templong aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan,

39dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa inyong luklukan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay. Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan laban sa inyo.

40“O aking Diyos, sagutin nʼyo po sana ang mga dalangin na ginawa sa lugar na ito.

41Ngayon, Panginoong Diyos, pumasok po kayo sa inyong tahanan kasama ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng inyong kapangyarihan. Nawaʼy maranasan ng inyong mga pari ang inyong pagliligtas at magsaya ang mga tapat na mamamayan ninyo sa inyong kabutihan.

42O Panginoong Diyos, huwag nʼyo pong itakwil ang pinili nʼyong hari. Alalahanin nʼyo po ang inyong ipinangako kay David na inyong lingkod na iibigin siyang lubos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.