2 Mga Cronica 6

Ngayon, Panginoong Diyos, pumasok po kayo sa inyong tahanan kasama ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng inyong kapangyarihan. Nawaʼy maranasan ng inyong mga pari ang inyong pagliligtas at magsaya ang mga tapat na mamamayan ninyo sa inyong kabutihan.

2 Chronicles 6:41 (UKJV) Now therefore arise, O LORD God, into your resting place, you, and the ark of your strength: let your priests, O LORD God, be clothed with salvation, and let your saints rejoice in goodness.

39dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa inyong luklukan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay. Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan laban sa inyo.

40“O aking Diyos, sagutin nʼyo po sana ang mga dalangin na ginawa sa lugar na ito.

41Ngayon, Panginoong Diyos, pumasok po kayo sa inyong tahanan kasama ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng inyong kapangyarihan. Nawaʼy maranasan ng inyong mga pari ang inyong pagliligtas at magsaya ang mga tapat na mamamayan ninyo sa inyong kabutihan.

42O Panginoong Diyos, huwag nʼyo pong itakwil ang pinili nʼyong hari. Alalahanin nʼyo po ang inyong ipinangako kay David na inyong lingkod na iibigin siyang lubos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.