12Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang anumang hiningi niya. Mas sobra pa ang ibinigay ni Solomon sa kanya kaysa sa dinala niya. Pagkatapos, umuwi na ang reyna kasama ng mga tauhan niya.
13Taon-taon tumatanggap si Solomon ng mga dalawampuʼt tatlong toneladang ginto,
14bukod pa rito ang mga buwis na dala ng mga negosyante. Nagbibigay din sa kanya ng mga ginto at pilak ang lahat ng hari ng Arabia at ang mga gobernador ng Israel.
15Nagpagawa si Haring Solomon ng dalawandaang malalaking pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga pitong kilong ginto.
16Nagpagawa rin siya ng tatlong daang maliliit na pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga tatlo at kalahating kilong ginto. Ipinalagay niya itong lahat sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon.