11Ginamit ng hari ang mga kahoy na almug upang gawing hagdanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang ibaʼy ginawang mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Wala pang sinuman ang nakakita ng mga ganoong bagay sa Juda.
12Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang anumang hiningi niya. Mas sobra pa ang ibinigay ni Solomon sa kanya kaysa sa dinala niya. Pagkatapos, umuwi na ang reyna kasama ng mga tauhan niya.
13Taon-taon tumatanggap si Solomon ng mga dalawampuʼt tatlong toneladang ginto,
14bukod pa rito ang mga buwis na dala ng mga negosyante. Nagbibigay din sa kanya ng mga ginto at pilak ang lahat ng hari ng Arabia at ang mga gobernador ng Israel.
15Nagpagawa si Haring Solomon ng dalawandaang malalaking pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga pitong kilong ginto.