2 Mga Cronica 9

Ginamit ng hari ang mga kahoy na almug upang gawing hagdanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang ibaʼy ginawang mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Wala pang sinuman ang nakakita ng mga ganoong bagay sa Juda.

2 Chronicles 9:11 (UKJV) And the king made of the algum trees terraces to the house of the LORD, and to the king's palace, and harps and psalteries for singers: and there were none such seen before in the land of Judah.

9Binigyan niya ang hari ng limang toneladang ginto, maraming pampalasa at mamahaling mga bato. Hindi mapapantayan ang dami ng sangkap na ibinigay ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon.

10May dala rin kay Haring Solomon ang mga tauhan niya at ang mga tauhan ni Hiram na mga ginto, maraming kahoy na almug, at mamahaling mga bato galing sa Ofir.

11Ginamit ng hari ang mga kahoy na almug upang gawing hagdanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang ibaʼy ginawang mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Wala pang sinuman ang nakakita ng mga ganoong bagay sa Juda.

12Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang anumang hiningi niya. Mas sobra pa ang ibinigay ni Solomon sa kanya kaysa sa dinala niya. Pagkatapos, umuwi na ang reyna kasama ng mga tauhan niya.

13Taon-taon tumatanggap si Solomon ng mga dalawampuʼt tatlong toneladang ginto,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.