25May apat na libong kuwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayo at mga karwahe. Siyaʼy may labindalawang libong kabayo na inilagay niya sa lungsod na lagayan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem.
26Sinakop niya ang lahat ng hari mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto.
27Noong panahong siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay gaya lang ng karaniwang mga bato, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng mga karaniwang kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.
28Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula sa Ehipto at sa iba pang mga bansa.
29Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Natan, sa Mga Mensahe ni Ahias na taga-Silo, at sa mga Pangitain ni Iddo na Propeta, na nagsasabi rin tungkol sa paghahari ni Jeroboam na anak ni Nebat.