2 Mga Taga-Corinto 12

Ngunit paano? Alam naman ninyong hindi ako nagsamantala sa inyo sa pamamagitan ng mga kapatid na pinapunta ko diyan.

2 Corinthians 12:17 (UKJV) Did I make a gain of you by any of them whom I sent unto you?

15Ang totoo, ikaliligaya kong gugulin ang lahat at ialay pati ang aking sarili para sa inyo. Ngunit bakit katiting lang ang isinusukli ninyo sa labis-labis na pagmamahal ko sa inyo?

16Sumasang-ayon kayo na hindi nga ako naging pabigat sa inyo, ngunit may nagsasabi pa ring nilinlang ko kayo at dinaya sa ibang paraan.

17Ngunit paano? Alam naman ninyong hindi ako nagsamantala sa inyo sa pamamagitan ng mga kapatid na pinapunta ko diyan.

18Noong pinakiusapan ko si Tito upang dalawin kayo, kasama ang isang kapatid, nagsamantala ba siya sa inyo? Hindi! Sapagkat iisang Espiritu ang aming sinusunod, at iisa ang aming layunin.

19Siguro iniisip ninyong ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili. Aba, hindi! Sa harapan ng Diyos at bilang mga mananampalatayang na kay Kristo, sinasabi namin sa inyo, mga minamahal, na lahat ng aming ginagawa ay para sa ikakatibay ng inyong pananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.