2 Mga Taga-Corinto 12

Siguro iniisip ninyong ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili. Aba, hindi! Sa harapan ng Diyos at bilang mga mananampalatayang na kay Kristo, sinasabi namin sa inyo, mga minamahal, na lahat ng aming ginagawa ay para sa ikakatibay ng inyong pananampalataya.

2 Corinthians 12:19 (UKJV) Again, think all of you that we excuse ourselves unto you? we speak before God in Christ: but we do all things, dearly beloved, for your edifying.

17Ngunit paano? Alam naman ninyong hindi ako nagsamantala sa inyo sa pamamagitan ng mga kapatid na pinapunta ko diyan.

18Noong pinakiusapan ko si Tito upang dalawin kayo, kasama ang isang kapatid, nagsamantala ba siya sa inyo? Hindi! Sapagkat iisang Espiritu ang aming sinusunod, at iisa ang aming layunin.

19Siguro iniisip ninyong ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili. Aba, hindi! Sa harapan ng Diyos at bilang mga mananampalatayang na kay Kristo, sinasabi namin sa inyo, mga minamahal, na lahat ng aming ginagawa ay para sa ikakatibay ng inyong pananampalataya.

20Nag-aalala ako na baka pagdating ko diyan ay makita ko kayong iba sa aking inaasahan at makita rin ninyo akong iba sa inyong inaasahan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway-away, nag-iinggitan, nagkakagalit, nagmamaramot, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo.

21Nag-aalala ako dahil baka pagdating ko diyan ay ipahiya ako ng aking Diyos sa inyong harapan. At baka magluksa ako dahil marami sa inyo ang nagkasala at hanggang ngayon ay hindi pa nagsisisi sa kanilang kalaswaan, seksuwal na imoralidad, at kahalayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.