2 Mga Taga-Corinto 12

Noong pinakiusapan ko si Tito upang dalawin kayo, kasama ang isang kapatid, nagsamantala ba siya sa inyo? Hindi! Sapagkat iisang Espiritu ang aming sinusunod, at iisa ang aming layunin.

2 Corinthians 12:18 (UKJV) I desired Titus, and with him I sent a brother. Did Titus make a gain of you? walked we not in the same spirit? walked we not in the same steps?

16Sumasang-ayon kayo na hindi nga ako naging pabigat sa inyo, ngunit may nagsasabi pa ring nilinlang ko kayo at dinaya sa ibang paraan.

17Ngunit paano? Alam naman ninyong hindi ako nagsamantala sa inyo sa pamamagitan ng mga kapatid na pinapunta ko diyan.

18Noong pinakiusapan ko si Tito upang dalawin kayo, kasama ang isang kapatid, nagsamantala ba siya sa inyo? Hindi! Sapagkat iisang Espiritu ang aming sinusunod, at iisa ang aming layunin.

19Siguro iniisip ninyong ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili. Aba, hindi! Sa harapan ng Diyos at bilang mga mananampalatayang na kay Kristo, sinasabi namin sa inyo, mga minamahal, na lahat ng aming ginagawa ay para sa ikakatibay ng inyong pananampalataya.

20Nag-aalala ako na baka pagdating ko diyan ay makita ko kayong iba sa aking inaasahan at makita rin ninyo akong iba sa inyong inaasahan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway-away, nag-iinggitan, nagkakagalit, nagmamaramot, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.