2 Mga Taga-Corinto 12

Nag-aalala ako na baka pagdating ko diyan ay makita ko kayong iba sa aking inaasahan at makita rin ninyo akong iba sa inyong inaasahan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway-away, nag-iinggitan, nagkakagalit, nagmamaramot, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo.

2 Corinthians 12:20 (UKJV) For I fear, lest, when I come, I shall not find you such as I would, and that I shall be found unto you such as all of you would not: lest there be debates, envyings, wraths, strifes, backbitings, whisperings, swellings, tumults:

18Noong pinakiusapan ko si Tito upang dalawin kayo, kasama ang isang kapatid, nagsamantala ba siya sa inyo? Hindi! Sapagkat iisang Espiritu ang aming sinusunod, at iisa ang aming layunin.

19Siguro iniisip ninyong ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili. Aba, hindi! Sa harapan ng Diyos at bilang mga mananampalatayang na kay Kristo, sinasabi namin sa inyo, mga minamahal, na lahat ng aming ginagawa ay para sa ikakatibay ng inyong pananampalataya.

20Nag-aalala ako na baka pagdating ko diyan ay makita ko kayong iba sa aking inaasahan at makita rin ninyo akong iba sa inyong inaasahan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway-away, nag-iinggitan, nagkakagalit, nagmamaramot, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo.

21Nag-aalala ako dahil baka pagdating ko diyan ay ipahiya ako ng aking Diyos sa inyong harapan. At baka magluksa ako dahil marami sa inyo ang nagkasala at hanggang ngayon ay hindi pa nagsisisi sa kanilang kalaswaan, seksuwal na imoralidad, at kahalayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.