2 Mga Taga-Corinto 12

Nag-aalala ako dahil baka pagdating ko diyan ay ipahiya ako ng aking Diyos sa inyong harapan. At baka magluksa ako dahil marami sa inyo ang nagkasala at hanggang ngayon ay hindi pa nagsisisi sa kanilang kalaswaan, seksuwal na imoralidad, at kahalayan.

2 Corinthians 12:21 (UKJV) And lest, when I come again, my God will humble me among you, and that I shall mourn for many which have sinned already, and have not repented of the uncleanness and fornication and lasciviousness which they have committed.

19Siguro iniisip ninyong ipinagtatanggol lamang namin ang aming mga sarili. Aba, hindi! Sa harapan ng Diyos at bilang mga mananampalatayang na kay Kristo, sinasabi namin sa inyo, mga minamahal, na lahat ng aming ginagawa ay para sa ikakatibay ng inyong pananampalataya.

20Nag-aalala ako na baka pagdating ko diyan ay makita ko kayong iba sa aking inaasahan at makita rin ninyo akong iba sa inyong inaasahan. Baka madatnan ko kayong nag-aaway-away, nag-iinggitan, nagkakagalit, nagmamaramot, nagsisiraan, nagtsitsismisan, nagpapayabangan, at nagkakagulo.

21Nag-aalala ako dahil baka pagdating ko diyan ay ipahiya ako ng aking Diyos sa inyong harapan. At baka magluksa ako dahil marami sa inyo ang nagkasala at hanggang ngayon ay hindi pa nagsisisi sa kanilang kalaswaan, seksuwal na imoralidad, at kahalayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.