2 Mga Taga-Corinto 4

Sa aming paghihirap, patuloy na nakikibahagi ang aming katawan sa kamatayan ni Hesus, upang sa pamamagitan nito ay makita rin ang buhay ni Hesus sa aming katawan.

2 Corinthians 4:10 (UKJV) Always bearing about in the body the dying of the Lord Jesus, that the life also of Jesus might be made manifest in our body.

8Ginigipit kami sa lahat ng paraan, ngunit hindi nalulupig. Nalilito kami, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa.

9Inuusig kami, ngunit hindi kami pinapabayaan ng Diyos. Pinapabagsak kami, ngunit hindi tuluyang nalulugmok.

10Sa aming paghihirap, patuloy na nakikibahagi ang aming katawan sa kamatayan ni Hesus, upang sa pamamagitan nito ay makita rin ang buhay ni Hesus sa aming katawan.

11Sapagkat habang kamiʼy buhay pa, palagi kaming nasa bingit ng kamatayan dahil sa paglilingkod namin kay Hesus, upang sa pamamagitan ng aming katawang namamatay, makita rin ang buhay niya.

12Kaya kahit nasa bingit kami ng kamatayan, nagdudulot naman ito ng buhay para sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.