2 Mga Taga-Corinto 4

Kaya kahit nasa bingit kami ng kamatayan, nagdudulot naman ito ng buhay para sa inyo.

2 Corinthians 4:12 (UKJV) So then death works in us, but life in you.

10Sa aming paghihirap, patuloy na nakikibahagi ang aming katawan sa kamatayan ni Hesus, upang sa pamamagitan nito ay makita rin ang buhay ni Hesus sa aming katawan.

11Sapagkat habang kamiʼy buhay pa, palagi kaming nasa bingit ng kamatayan dahil sa paglilingkod namin kay Hesus, upang sa pamamagitan ng aming katawang namamatay, makita rin ang buhay niya.

12Kaya kahit nasa bingit kami ng kamatayan, nagdudulot naman ito ng buhay para sa inyo.

13Sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya ako, kaya nagsalita ako.” Ganoon din ang aming ginagawa: Sumasampalataya kami, kaya nagsasalita kami.

14Sapagkat alam naming ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring bubuhay sa amin, tulad ng ginawa niya kay Hesus, at dadalhin niya tayong lahat sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.